Sunday, June 10, 2007
CHISMIS
O Musta Na? anong chika? Anong balita? Lahat kasali! Ugali na ng pinoy ang maki tsismis… sa opisina, sa eskwela, sa palengke, sa kalsada, sa parlor, sa mall, sa kapehan, sa banyo, sa lobby, sa telepono, sa cellphone, sa internet, lahat na yata ng klaseng pang komikasyon ay ginagawang tulay upang mapagkunan ng tsismis. Hay, ang tsismis nga naman. Ano nga ba ang salitang tsismis?
TSISMIS- gossip, chika, mga balitang kumakalat, usap usapan ng madla, may katotohanan man o wala, tsismis pa din ito..
Ilang tao na nga ba ang nasira dahil sa tsismis? Ilang taong sumikat dahil sa tsismis? Ilang relasyon na ang nasira ng dahil lang sa tsismis? Ilang tahanan na ang nawasak ng dahil lang sa tsismis?
Tsismis ang isang dahilan ang pagkaira ng isang samahan. Hindi naman sa lahat, ngunit minsan sa karamihan. Bakit nga ba tayo nakikitsismis? Isa sa pampalipas oras natin ang pagtsi-tsismis, lalo na sa mga taong walang ginagawa, pupunta sa kapit bahay at pag uusapan ang pwedeng pag usapan, kukunin ang telepono at tatawagan ang mga ka chika upang silay mag chi-chikahan, minsan may conference pa! Makikipagkita ka sa kaibigan mo sa isang coffee shop para makipag tsismisan. Mula sabado ng tangahali hanggang linggo, bubuksan na ang telebisyon, star talk na! The Buzz! E channel, lahat!! hay, nakatutuwang isipin ngunit sadyang nangyayari ang mga bagay na ganito.
Ang tsismis nga naman. Ikaw? Isa ka bang tsismoso/ tsismosa? Umamin ka! Anong balita?
Posted by -Paulo- ::
6:41 AM ::
1 Comments:
Post/Read Comment
---------------oOo---------------
|
|