Tuesday, April 03, 2007
Martes Santo
Alas otso ng gabi, Martes Santo, naghihintay ako ng fx papasok sa opisina, “naku, mukhang late na yata ako, sana yung driver na mabilis magmaneho ang masakyan ko”. Dumating yung fx at yun nga ang driver ng fx na asking sasakyan. Salamat. Whew. papasok ako sa trabaho, naka upo ako sa front seat ng fx na aking sinasakyan, smooth ang byahe, with jazz sounds.. stop light sa may blue wave intersection, di ko alam kung anong street yun sa may Marikina. Green light, Go, biglang may isang motor na nagmamagaling at pumagitna sa dinadaanan namin, ang yabang, parang hari ng daan, naka helmet, naka jacket, over take kami, maya maya, pagtingin ko sa side mirror, aba ang gago, humahabol.. sige, pinauna na. pagliko sa pangalawang kanto, overtake ulit kami, at napansin ng driver na parang sinusundan kami at mayabang ang nagmamaneho ng motor. Nagbanta ngayon tong driver, isa pang gitgit mo kakaladkarin na kinta sa kantong eto. Paliko na kami sa kanto ng biglang umovertake ang gago, sumayad yata yung tuhog nya sa driver’s door, huminto sya sa harapan namin at nakita ko syang may binubunot, akala ko baril at babarilin yung driver. What If ako yung natamaan? What if katabi ko yung natamaan? Andar kami ulit papunta sa kinalulugaran nya, pinakita nya yung chapa nya, pulis pulisan, ang yabang, pinakita pa talaga yung chapa nya.. sarap talagang sagasaan ni gago, ang yabang. Nagbanghayan ang dalawa at nagsisihan… whew, akala ko talaga baril na. at least hindi baril yung binunot nya.. salamat naman ako ay nakahinga ng maluwag. Pinauna ng umandar yung motor, pagdating sa kanto, nakita naming sya na nakatambay, naninigarilyo, nakatingin sa sinasakyan naming na nanlilisik ang mata. Kinabahan si gago. Napayosi bigla. Hay.. salamat at nakarating ako sa opisina ng maayos at buhay pa.. whew.. Salamat…
Posted by -Paulo- ::
10:32 AM ::
0 Comments:
Post/Read Comment
---------------oOo---------------
|
|